NATAKOT si Lily nang magawa na siyang maisakay ng dalawang lalaki sa van. Pwede siyang manlaban o pumalag pero inaalala niya ang munting anghel na nasa sinapupunan niya. Pinigilan niya ang sarili na umiyak. Hindi makakatulong sa sitwasyon niya kung magpa-panic siya. May palagay siya na si Conrad na naman ang may pakana sa pagdukot sa kanya at kung kasali may mangyaring masama sa sinapupunan niya ay kailanman hindi niya ito mapapatawad. Pero ganoon ba talaga ka bango ang tauhan ni Conrad Ventura? Tila ba mamahaling perfume ang gamit. Hindi masakit sa ilong. Swabe ang amoy. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaking naka-bonnet mask. At sa kabila ng delikadong sitwasyon ay nagawa pa niyang tumingin sa daliri ng mga ito. Mahaba iyon at mala-kandila. Tila ba kailanman ay hindi dumaan sa mabigat