LUMABAS si Colt kasama ang kanyang ama sa presinto. Nasa Maynila na sila. Binibit nila doon ang kanyang Uncle Manny para isuko sa mga pulis. Panahon na para panagutan nito ang mga kasamaan na ginagawa hindi lang sa kanya kundi maging sa ibang tao. Nag-alala siya nang mapansin ang pagod na mukha ng ama. Alas onse na ng gabi. Dapat nagpapahinga na ito dahil bagaman na-operahan na ay batid niya na masama pa rin sa kalagayan nito ang ma-stress at magpuyat. “Mabuti pa, Dad. Ihahatid na kita pauwi.” “Mabuti pa nga.” Sang-ayon nito. Wala ng traffic kaya nagawa nilang makarating sa mansyon sa loob lang ng bente minutos. Hinatid niya hanggang sa loob. Bagaman malaki ang problema ang kinakaharap niya tungkol kay Lily ay kahit paano ay nabawasan ang bigat na nararamdam niya. Batid niyang sinsero