Chapter 83 W: R18+ BUMITAW siya habang hawak pa rin niya ang magkabilang pisngi ko, nangungusap ang mga mata niyang nakatitig sa ‘kin, animoy nagtatanong at nagniningning. Sobrang bilis ng pintig nong puso ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Tuluyan na siyang bumitaw at lumayo ng bahagya sa ‘kin na siyang pinagtaka ko. Nakaramdam ako ng hiya, “hindi mo naman kailangan gawin ‘to, Avery,” halos pabulong niyang sabi. “Gusto kong gawin,” mabilis kong sagot. Dahil sa sinabi ko’y napasulyap siyang muli sa gawi ko, “sigurado ka ba?” May halong pagnanasa at pagtataka sa mga mata niya na para bang nag-aalinlangan siyang ituloy ang bagay na ‘yon. Tumango-tango na lamang ako, “makinig ka sa ‘kin, hindi ko gagawin ‘to dahil nasa sa ‘yo---” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang siya naman