Chapter 84 SA muling pagbalik ng santelmo sa Granite, muling nanumbalik ang sigla sa buong kaharian at dating para bang nabuhayan ang buong nilalang dito. Habang tumatagal natatakot ako para sa amin ni Bron, ano ba ang susunod na mangyayari? Wala na kaming ibang matatakbuhan maliban sa Granite na nagpatuloy sa amin at nagpapakain ngayon. Nagkaroon ng maliit na kasiyahan sa palasyo at lahat ay imbetado mahirap man o mayaman ay maaring makapasok sa loob ng palasyo ngayong araw. Maingay sa loob ng bulwagan kaya lumabas na muna ako sa balkonahe at natatanaw ko ang papalubog na araw. Naramdaman kong may tumabi sa ‘kin at hindi ko na ito nilingon kung sino siya. “Hindi ka ba natatakot?” Tanong ko sa kanya. Simula nong huling gabi maraming nagbago, mas lalo siyang naging malapit sa ‘kin at s