Abala si Isabela sa kusina. Araw ng linggo ngayon at walang trabaho si Ice. Sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para ipagluto ito ng paborito nitong ulam. Sinigang na hipon at adobong manok ang kaniyang iluluto para sa kanilang tanghalian. Umaga pa lang ay namalengke na siya sa pinakamalapit na wet market sa subdivision nila. Handa lahat ng mga gagamitin sa pagluluto pati na ang mga pangsahog ay nabalatan na at nagayat. Nakapagsalang na rin siya ng kanin sa rice cooker. Wala si Ice, nag-jogging ito kaninang umaga kasama ng mga kaibigang sina Sean at Chandler. Alas nuebe na ng mga oras na iyon ngunit hindi pa rin ito bumabalik. Kanina lang ay nakatanggap siya ng text message buhat dito na nag aalmusal daw ito kasama ang kaniyang mga kaibigan. Samantalang si Uno naman ay nasa kaniyan

