"Mommy, look, doctor Clark is here," tuwang pagbabalita ni Uno nang makalapit na sila sa kinaroroonan ng kaniyang ina. "Oh... hi doc! It's a surprise to see you here." "Yeah, same," matipid na tugon naman ni Clark. "By the way doc. Si Ice may fiance, kilala mo naman siya 'di ba?" ani Isabela. Dahil sinabi na naman sa kaniya ni Ava ang relasyon ni Ice at Isabela sa isa't-isa ay kung bakit hindi pa rin niya maiwasan na hindi mabigla. Mahirap lang paniwalaan na after all these years ay may communication pa rin pala ang dalawa, at masakit marinig sa mismong bibig ni Isabela kung paano nito ipinakilala sa kaniya si Ice bilang fiance nito. "Yes of course! Ice Evans, long time no see. Where have you been? Bakit ang tagal mong nawala?" tanong niya sa lalaking kinaiinisan at madalas niyang pag

