Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Isabela. Ito ang araw ng operasyon ni Uno. Sasailalim ang bata sa heart transplant. Isa itong major operation na tatagal ng six to twelve hours. Bago kunin ng mga nurse si Uno at dalhin sa operating room ay magkasamang nanalangin sina Ice at Isabela para sa kaligtasan ng bata. "Don't worry about me, Mommy. I will be right back," sabi nito. Nakahiga na ito sa kaniyang hospital bed at tinutulak patungo sa operating room. Walang kaalam-alam ang bata na delikado ang susuungin niya ang tanging alam lang niya ay pagagalingin ni Dr. Clark ang sakit niya. Pinilit ni Isabela ang ngumiti. Pinigilan niya ang sarili na huwag umiyak. Ayaw niyang mag aalala ang kaniyang anak. Gusto niyang maging matapang sa harap nito kahit ang totoo sa kaloob-looban niya a

