Chapter 86-Ang Magandang Balita•

1512 Words

Napadiretso ng tayo si Isabela nang biglang bumukas ang pinto ng operating room, pati si Ice na noon ay may kausap sa kaniyang cellphone ay agad tinapos ang tawag at bumaling sa kung sino mang tao ang iluluwa ng pinto. Ang kabog sa dibdib ni Isabela ay halos magpabingi sa kaniya, hindi normal ang lakas niyon. Tulad ng inaasahan, si Clark ang lumabas ng operating room. Agad itong sinalubong ni Isabela. Hindi siya nagtanong o nagsalita man lang ng kahit na ano, walang katagang mamutawi sa kaniyang bibig. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot. Pigil hininga na hinintay niya ang sasabihin ni Clark. Tinanggal muna nito ang suot na mask at pinunasan ang pawis sa kaniyang mukha gamit ang tissue na ibinigay sa kaniya ng nurse kanina. Ngumiti siya, tiningnan niya si Isabela gayundin si Ic

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD