Apat na buwan matapos maoperahan si Uno ay naghahanda na ang mag-ina papunta sa Vander Hospital para sa monthly check up nito. Maganda ang responde ng mga gamot at mga isinagawang treatment sa bata. Dahil magaling at upgraded na ospital ang Vander Hospital ay naibibigay nito ang lahat ng gamutan na kailangan ni Uno kaya mabilis ang naging revovery nito. Ang mga gamot na kailangang i-maintain at monthly check-up iyon ang dapat gawin para tuluyan ng gumaling ang bata. Bumili si Isabela ng mga cake na ibibigay nila bilang pasalubong sa mga doctor at nurse na nag-aalaga kay Uno simula noon hanggang ngayon. "Are you ready, sweetheart?" tanong niya sa anak. Mabilis at halos lundagin na nito ang pagbaba sa hagdan. Kung noon ay lagi niyang sinsaway ang bata ngayon ay hinahayaan na niya ito. Ku

