Matagal nang hindi nagpaparamdam si Clark sa nobya nitong si Ava kaya ang dalaga na ang pumunta kung nasaan ito para lamang magkita sila. Ang totoo ay naiinis si Ava sa pagbabalewala ni Clark sa kaniya. Kung ibang lalaki pa siguro ito ay matagal na siyang nakipaghiwalay rito, ang kaso ay si Clark Vander ang nobyo niya. Lahat ng katangian na gusto niya ay nasa lalaking ito na. Bukod sa hindi matawaran ang kagandahang lalaki nito ay matalino pa ito, hinahangaan ito at nirerespeto ng nakararami. Ang isa pa na kinaiinggitan ng halos lahat ng kababaihan sa kaniya ay mayaman ito, ubod ng yaman ang pamilyang Vander. Pero hindi lang naman ang magagandang katangian at kayamanan nito ang dahilan kung bakit hindi niya ito maiwan. Ang totoo ay mahal na mahal niya si Clark. Ngayon lang siya nakaramd

