Dali-daling bumaba ng kaniyang kotse si Ice, na-curious siyang malaman kung bisita nga ba niya ang may ari ng sasakyan na pumarada sa harap ng kaniyang bahay. Nagulat siya nang bigla na lamang lumabas ng sasakyang iyon si Isabela. Ang alam niya ay nasa isang seminar ito. Nagpaalam ito sa kaniya bago siya pumasok sa opisina kaninang umaga. Gaya ng reaksiyon ni Ice ay natigilan din si Isabela nang makita ang binata, hindi niya inaasahan na uuwi ito ng maaga ngayong araw. Alas kuwatro pa lang kasi ng hapon ng mga oras na iyon. Bumaba naman si Clark sa kaniyang sasakyan para batiin si Ice. "Ah, nagkita kami sa seminar ni Dr. Clark, isa siya sa mga guest speaker doon. Nagpresinta na siyang isabay ako pauwi," paliwanag ni Isabela. Ewan ba niya, wala naman siyang ginawang mali pero pakira

