Chapter 91-Broken Hearted•

3743 Words

"Hi Ice. I'm so glad na naabutan kita rito," Ipinatong ni Michelle ang kaniyang backpack sa ibabaw ng leather sofa at pagkatapos ay lumapit sa working table ng binata. Umupo siya sa upuan sa harap ng lamesa nito. Matapos ang kanilang klase ay nagpahatid siya sa kaniyang driver sa Evans Holding ang kompanya na pag aari ni Ice para dalawin ito. Tatlong beses sa isang linggo kung pumunta siya sa opisina ng binata. Gustong- gusto kasi niya na nakikita ito. Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi nakikita ang lalaking nagpapatibok ng puso niya mula noon hanggang ngayon. "Napapadalas yata ang pagpunta-punta mo rito. Alam ba sa inyo na dito ka tumatambay after school mo?" tanong ng binata, itinigil nito ang ginagawa sa kaniyang laptop at binalingan si Michelle. "No," sagot nito sabay iling.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD