Wala si Ice ngayon, pumunta ito sa Thailand para sa isang negosyo. Apat na araw itong mawawala, kaya naman habang wala ito ay pumasyal muna si Isabela kasama ang anak na si Uno sa bahay ng kaniyang ina. May umorder ng biko at sapin-sapin kay Aling Gina, kaya tinulungan siya ng kaniyang mga anak sa pagluluto nito. Ayaw naman na sana ng magkapatid na tumanggap pa ng order na mga kakanin ang kanilang ina. Kumikita naman ng sapat si Sandara sa pagtatrabaho nito bilang teller sa bangko at paminsan-minsan ay suma-side line ito ng gig sa mga bar kasama ang kaniyang banda. Magaling na singer si Sandara. Basta may mga pagkakataon na pwede siyang rumaket sa pagkanta ay tinatanggap niya para makatulong din sa mga gastusin sa bahay. Ang totoo ay magaan na naman ang pamumuhay nila hindi kagaya ng dati

