"Dr. Clark, napapansin ko nitong mga nakaarang araw ay lagi kang nakangiti. Mukhang masaya ka, ha. Ano ba ang nagpapasaya sa 'yo ngayon? Ay... teka parang mali ata ang tanong ko. Ito siguro ang tama, sino ang nagpapasaya sa'yo ngayon?" Nilingon ni Clark ang kapwa niya doktor na si Dr.Legaspi. Isa itong Orthopedic Surgeon (OS). Halos limang taon na rin itong nagtatrabaho sa Vander Hospital at ito ang doktor na pinakamalapit sa kaniya. "Huh! Lagi naman akong nakangiti, ah," aniya rito. "Hmm... kakaiba ang mga ngiti mo ngayon. Hindi lang naman ako ang nakakapansin niyan. Halos lahat ng staff dito sa ospital. I think you're in love. Ganiyan ang mga ngiti ng in love. Kahit wala namang dahilan bigla na lang ngingiti. Kanina pa kita pinagmamasdan sa nurse station." "Tsk! Natural in love ako

