"Ice... bitiwan mo 'ko ano ba?!" galit na sigaw ni Michelle, pilit siyang kumakawala sa mahigpit na hawak ng binata. Hinatak kasi siya nito at kinaladkad palabas ng bar. "No... I will not let you go. Come with me, I will bring you home." "At sino ba ang may sabi sa'yo na gusto ko nang umuwi? Babalik ako sa loob nandoon ang mga kaibigan ko," anito na akmang lalakad ngunit pinigilan ito ng kamay ng binata na nakahawak sa kaniya ng mahigpit. Napahilamos sa kaniyang mukha si Ice dahil sa matinding pagkadismaya. "Kaibigan? Tinatawag mong kaibigan ang mga 'yon? Ano ba'ng nangyayari sa'yo ha, Michelle? Bakit sumasama ka sa mga maling tao? Masama silang impluwensiya para sa'yo. Alam ba ng magulang mo ang mga ginagawa mo?" "Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin dahil buhay ko 'to," i

