Kinabukasan, pagising nila ay humupa na ang bagyo at tuluyan na itong umalis ng bansa. Hapon na ng bumalik ang operasyon ng paliparan. Nakabalik ng Maynila sina Clark at Isabela na hindi nila pinag usapan ang nangyari sa kanila kagabi. Umakto sila ng normal na para bang walang nangyari. Habang nasa kaniyang opisina si Clark ay hindi niya mapigilan ang mapaisip. Hindi nawawala sa kaniyang alaala ang eksenang iyon sa hotel, ang ginawa niyang paghalik kay Isabela at ang pagresponde nito sa mga halik niya. Hindi niya alam kung bakit hindi ito nagalit sa kapangahasan na nagawa niya rito at kung ano ang ibig sabihin ng pagresponde nito sa mga halik niyang iyon. Napahilamos siya sa sarili niyang mukha. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Kinapa niya ang kaniyang puso na para bang doon niya mal

