Katulad nga ng nasabi ni Clark. Pagpasok nila sa inokupahang silid ay hindi maiwasang madismaya ni Isabela nang makita ang kabuuan nito. Maganda naman iyon at malinis, wala naman sanang problema kung sila lang na mag-ina kaya nga lang ay kasama nila si Clark. Maliit lang ang kama na kasya lamang sa dalawang tao. Walang mahabang sofa na pwedeng mahigaan kung sakali. Ang tanging upuan na naroon ay isang arm chair. "I'm okay here, dito na 'ko matutulog at kayo naman sa kama," sabi ni Clark. Tinapik nito ang arm chair at pagkatapos ay inilapag naman nito ang mga dala nilang bag sa sahig sa may gawing paanan ng kama at pagkatapos ay binalikan nito ang arm chair at naupo na para bang sinusubukan kung magiging komporatble ba siya roon. "Sigurado ka bang ayos lang na d'yan ka matulog?" alang

