Nasa kaniyang opisina si Clark, katatapos lang ng rounds niya kaya naman inasikaso naman niya ngayon ang files ng mga pasyente niya sa kaniyang laptop. Ang iba ay kailangan ng i-update ang records. Habang abala siya sa kaniyang ginagawa ay hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto ng kaniyang opisina at pagpasok ng isang maliit na nilalang. Dahan-dahan at maingat ang mga hakbang nito na umakyat sa upuan at bigla na lang bumulaga sa harapan ni Clark. "Hi, Doctor!" masiglang bati ng bata. Napakislot sa gulat si Clark. Ang buong akala niya ay mag-isa lang siya sa kaniyang silid. Gulat na gulat siya ng makita si Uno sa kaniyang harapan. Nakaupo ito sa harap na upuan ng kaniyang working table at nakapangalumbaba habang nakatingin sa kaniya. "Huh! You surprised me, Uno. How did you get here?

