Chapter 82- Hindi Maipagkakailang Damdamin•

1662 Words

Hindi alam ni Isabela kung gaanong hirap ang pinagdaanan ni Clark sa loob ng emergency room mailigtas lamang si Uno. Halos mag-flat line na ang bata, pero pursigido ang binatang doktor na gawin ang lahat ng makakaya niya mailigtas lamang ito. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng pasyente na iniyakan niya habang ginagamot. Nanlalabo na ang mga mata niya sa luha ngunit pilit pa rin niyang pinalalakas ang kaniyang loob. Nawawalan na siya ng pag asa ngunit hindi siya sumuko. Paulit-ulit niya itong ginamitan ng defibrillator. Napakasakit para sa kaniya na ang munting katawan ng bata ay kailangang tiisin ang hirap na 'yon ngunit wala siyang magawa, iyon lang ang tanging paraan para mailigtas niya ang buhay nito. Matapos ang halos isang oras na hindi pagsuko ay nagawa niyang maibalik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD