"Kailangan kong dalhin sa ospital si Uno para ipa-check up," sabi ni Isabela, kasalukuyang kumakain ang dalawa. Sinadya niyang hintayin na umuwi si Ice galing trabaho para sabayan ito sa hapunan. Napakain na niya si Uno at nabihisan ng pantulog, nasa kwarto na ito ngayon at nanonood ng tv. Kasama nito ang isa sa kasambahay na si Judy. Ito ang nauutusan niyang tumingin-tingin sa kaniyang anak kapag may ginagawa siya. "Yeah, ngayong narito na kayo kailangan talaga na may regular ng doktor na titingin kay Uno," sang ayon ng binata. "Gusto mo bang samahan ko kayo sa ospital?" tanong nito. "Di ba may conference kang dadaluhan bukas? Huwag ka nang mag alala kaya ko naman. Kailangan ko lang ng driver na maghahatid sa amin sa ospital. Sa tagal kong nawala ay hindi ko na alam ang pasikot-sikot s

