AVERY Ang akala ko ay matagal akong maghihintay, pero wala pa yatang ten minutes ay tapos na agad si Sir Xander sa trabahong ginawa niya. Ang bilis kasi niyang mag-type. High speed ang galaw ng mga daliri at kahit sinusundan ng mga mata ko ang ginagawa niya ay wala rin ako halos naunawan. "Done," nakangiting sabi ni Sir Xander nang ilapag ang laptop sa kaharap na center table. Mahinang uminat pa siya at niyaya na akong magpahinga muna. Natuwa naman ako, dahil hindi ako gaanong naghintay ng matagal sa kanya. "Ang bilis mo naman yata, sure ka ba na tapos ka na? Akala ko ba, hanggang kalahating oras mong gagawin iyon?" magkasunod na tanong ko, habang sabay na naglalakad kami palapit sa kama. "Mabilis lang iyon, besides, ayaw kong maghintay ka ng matagal sa akin. You're more important tha

