AVERY “Matulog ka na, Ailee. Madaling araw na,” utos ko sa kapatid ko, dahil wala ng ibang ginawa kung ‘di kulitin si Lyndon. “Ate Aves, hindi ba ang sabi mo kanina ay pinsan mo si Kuya Lyndon? Ibig sabihin ay pinsan rin namin siya,’’ nakangiting tanong sa akin ng kapatid ko. Ngumiti lang ako, dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon namin ngayon. “Sige na, bawal sa iyo ang magpuyat. Kailangan mong matulog at magpahinga. Ikaw rin, baka hindi ka pauwiin ng doktor kapag nagkasakit ka,” mahinahon na utos ko sa kapatid ko. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa at sumunod agad. May available na isa pang kama, para sa kasamang magbabantay sa pasyente, kaya pwedeng matulog ng komportable si Ailee. Ang totoo ay hindi ko rin alam kung pinsan k

