JAMILLA Napasinghap ako nang dumapo ang kamay ni Drake sa aking tiyan. Marahan niya itong hinaplos habang nakasiksik ang mukha niya sa aking leeg, at patak-patak niya akong hinahalikan pataas sa aking punong tainga. Dama ko ang init ng kaniyang hininga sa aking balat habang nakapikit ako at sensual na naglalandas ang kaniyang mga labi sa aking leeg. Ganoon din ang marahan na paghaplos at paghagod ng kaniyang kamay at mga daliri sa aking tiyan papunta sa bewang ko. Mainit, nakakaramdam ako ng pagbabago ng temperatura sa aking katawan. Ramdam ko na unti-unti ay nadadarang na ako sa tukso, pero nagtatalo ang aking isipan kung hahayaan ko ba si Drake na ipagpatuloy namin ito, o pipigilan ko siya dahil iyon ang tama. “I love you so much, Jam,” mahinang bulong sa akin ng kinakapatid ko. Hi

