JAMILLA Hindi ko alam kung paano kakausapin si Drake matapos ang mainit na tagpong pinagsaluhan naming dalawa. Pareho kaming nakahiga ngayon sa kama at walang suot na kahit ano. Tanging kumot lamang ang takip sa aming mga katawan habang nakaunan ako sa braso ng aking kinakapatid at yakap niya. Nararamdaman ko pa rin ang init sa balat ni Drake kahit nakatulog na siya dahil sa pagod. Ang akala ko kanina ay ayos na sa kaniya ang isang round, pero umulit pa siya, kaya pagod na pagod ako ngayon at nanlalambot ang aking katawan. Kahit wala naman akong ginawa dahil siya naman ang nasa ibabaw ko, nakaramdam pa rin ako ng pagod at labis na panghihina nang tigilan niya ako. Malakas ang katawan ko dahil aktibo ako sa mga training at mga physical activities ko, kaya hindi ko inaasahan na manghihi

