AQUILINA Ipinaliwanag na sa akin ni Basilio ang lahat. Kahit para sa aming dalawa ang kanyang gagawin, nais kong maging mapagpasalamat ngunit hindi ko talaga magawa. Pinilit kong isiksik sa aking isip na makakaya namin ang anim na taong malayo kami sa isa't isa, ngunit nagmamatigas ang takot sa aking dibdib na baka magmaliw ang kanyang pag-ibig sa akin at bumalik nang mayroon nang ibang sinisinta. "Hindi ka makatulog?" tanong niya. Nakaupo ito sa sahig, nakahilig ang ulo sa ibabaw ng kanyang braso na nakapatong sa kama. "Dahil ba iyon sa sinabi ko? Natatakot ka ba na baka hindi na ako bumalik? O baka kapag bumalik man ako, makalimutan na kita?" Hindi ako nakaimik. Nahihiya akong umamin sa kanya kahit na nasapul niya naman ang sagot. Tumayo ito, naupo sa aking tabi at hinaplos niya an