DONYA SALUME "Tama na ang pag-inom ng alak, Salume. Masyado nang maraming basyo ang naubos mo." Ilang beses na akong sinaway ni Felicio, ganiyan din ang kanyang sinabi. Hindi pa rin ako nakinig dahil labis na nagdurugo ang aking puso. Kakarating lang ng liham ni Mercado. Isa lamang ang inaasahan kong laman ng liham, at iyon ay ang matagumpay na pagdakip sa traydor na si Eufrecina. Ngunit binulaga ako ng isa pang balita...nakakagalit na balita. "Sa tingi mo, mainam na tayo na mismo ang maglayo sa ating anak? Masyado nang matigas ang kanyang ulo, hindi na siya marunong makinig sa aking mga salita. Hindi ba't nakakabahala iyon, Felicio?" wika ko. "Ano na naman ba ang ginawa ni Aquilina at nagawa niyang painumin ka ng alak ngayong gabi?" tanong niya. Humarap ako sa kanya. Ibinaba ko ang h