KAPITOLO 37: PARUSA PARA SA BATANG MATIGAS ANG ULO

1978 Words

Ang pag-ibig ng ina sa kanyang anak ay laging dalisay. Kung mayroon mang nilalang na hindi ka tatalikuran kahit kailan, iyon ang iyong ina.  "Ako'y labis na nalulungkot sa iyong ginawa, Aquilina. Hindi na kita kilala...Hindi ko matanggap na isinawalang bahala mo ang sakripisyo namin sa iyo ng iyong ama para lamang sa lalaking iyon. Ganoon mo ba siya kamahal para kami'y pagtaksilan? Nagawa mong tumakas ng bahay, sumama sa kanya at matulog nang kasama siya kahit na ito'y labag sa kaugalian natin?! Pawang kahibangan!"  Humahagod ang galit sa lalamunan ni Donya Salume. Hindi niya magawang tingnan ang knyang anak dahil natatakot siya na baka makagawa siya ng bagay na labis niyang pagsisisihan. Nanatili siyang nakatalikod habang si Aquilina ay nakaluhod sa monggo. Magdadalawampung minuto na ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD