'Sigurado ka na ba sa iyong pasya, Eutequia? Desidido ka bang sirain kung anong mayroon tayo? Pinaghirapan nating panatilihing matatag at masaya ang pamilya natin tapos...' 'Dante, ilang beses ko bang ipapaalala sa iyo? Hindi ako ang may kagustuhang masira ang pamilya natin kung hindi ikaw. Kung hindi mo hinayaang makawala ang alaga mo't patulan ang iyong katulong, hindi sana tayo darating sa ganitong punto. Buo na ang aking pasya anuman ang iyong sabihin. Papapuntahin ko sila rito, sasabihin mo kay Eufrecina ang eksaktong linya na sinabi ko sa iyo kapalit ng pananatili namin ni Basilio sa iyong puder.' 'Siguraduhin mong mapapapayag mo si Eufrecina na ibigay sa iyo ang iyong anak, kung hindi...pasensya na lamang ang siyang maibibigay ko sa iyo.' DANTE Mahigit tatlumpong minuto na ang n