SALUME "Bakit ganiyan ang itsura mo? Kanina ka pa nagpapakawala ng buntonghininga, may nangyari ba habang wala ako?" tanong ni Felicio. Sinadya kong magmukhang problemado sa harap niya dahil hindi ko kayang magpasimula ng paksa lalo na kung ito'y tungkol sa Basilio Valencia na iyon. "Hindi ko na dapat ito sasabihin sa iyo dahil marami ka nang iniisip. Ikaw ang naglalakad sa mga kakailanganin sa kasal ng ating anak at ayaw kong dumagdag pa ito sa iyong iisipin," tugon ko habang nagpapaawa. Umupo sa tabi ko si Felicio. Alam kong hindi pa rin maluwag sa kaniyang dibdib na tanggapin ang nalalapit na kasal ng aming anak lalo na't linggid iyon sa kaalaman ni Aquilina. Pakiramam niya ay ibinebenta namin ang sarili naming laman kapalit ng kapangyarihan at yaman. Ngunit ipinaintindi ko naman s

