SA MOMENTUM . . . Nang makalog-in ang awatara ni Josie na si Bloom sa Ominous Solstice. Nakita nito na inip na inip na si Winona ang awatara ni Cherry habang nakapangalungbaba sa ibabaw ng malaking bato. Tila nagiisip ito habang hawak-hawak ang isang rolyo ng papel. Bukas sara nito ang rolyo ng papel matapos ay magkakamot sa ulo. ‘Di kalayuan tawang-tawa si Josie habang pinagmamasdan ang itsura ng kaibigan sa ibabaw ng bato. Para itong urang-utang habang naka-squat. Itim na itim ang suot nitong damit. Hindi pa rin nito nagisipang magpalit ng anyo. Maaring magpalit ng anyo ang bawat awatara. Maaring itago ang pagkakakilanlan sa ibang anyo. Ang ibang awatara ay pinipili maging lobo o maging robot. Maya-maya pa nilapitan niya na ito. ”Pasensya na. Nahuli ako.” “Bumalik lang sa buhay mo si