“Just between you and me, Amihan,” panimula ni Malena nang sa wakas ay nagkasarilinan sila. Ang mga kalalakihan ay abala sa pag-iinuman at pagkukuwentuhan samantalang nawala na lang si Candela na parang bula. Sa hula ni Mihan ay baka pumunta lang ito ng CR sa loob ng bahay. Medyo malakas pa rin ang musika pero tama lang para magkarinigan sila habang nag-uusap. “Sure,” ang nakangiting tugon niya sa Argentinian. Pinagmasdan niya ito habang nakaupo sa binakanteng lounge chair nina Ax at Klaus kanina. Hindi muna nagsalita si Malena nang may catering staff na nagbigay sa kanila ng maiinom. Pinili ng dalaga ang apple juice imbes na cocktail dahil nakainom na siya ng isang kopita kanina. Mamaya ay maiihi na siya. Kababalik pa naman niya galing CR. “I doubt that you’re being true to Thiago,”