“¿Qué pasa, Mamá? (What is it, Mamá?)” tanong ni Thiago. Naihatid na niya si Mihan sa silid nito pagkatapos nilang maghapunan para makapagpahinga ito. Sinigurado niyang nakainom ito ng gamot sa tamang oras. Nasa guest room sa ground floor lang ito upang hindi mahirapan kung sakaling gusto nitong kumilos. Ngayon ay nasa balkonahe ng kanyang silid silang mag-ina para mag-usap. Kani-kanina lang ay kumatok ito sa pinto niya at hiniling na mag-usap silang dalawa. Dala nito ang dalawang tasa ng tsaa na nakalagay sa maliit na tray. Pinapasok niya ito at heto na sila ngayon sa kanyang balkonahe, nakaupo, at nasa pagitan ang coffee table kung saan nakapatong ang kani-kanyang tasa ng green tea. “Hindi ako magtatagal dito, hijo. Ayokong maging istorbo sa inyo ni Amihan.” He snorted at that but