DEVILLIANNA FIACRA VERNO GUMULONG ang dalawang pors’yon ng lapis sa ibabaw ng office table. “Bakit mo i-c-cancel? ‘Wag na lang, ituloy mo. Baka sabihin ng mga tao, ina-under kita,” mahinahong tugon ko sa pagigil na paraan. Nakita kong bumaba-taas ang Adam’s apple ni Ferruccio. Matigas pa s'yang tumikhim. “No, I will cancel the session or I will just recommend other body parts for getting a tattoo.” “’Yan naman pala, bakit ka pumayag na sa puké rin s’ya magpapatattoo? Gusto mo rin ba?” He shook his head exaggeratedly. “Kung hindi mo gusto, bakit ka pumayag? Samantalang nagpapakahirap pa ako noon para matattoo-an mo ako sa part na ‘yon tapos ngayong ibang babae naman, isang request lang sa ‘yo payag ka na agad?” “Hold on, let me explain—“ “No, let me talk,” putol ko sa sinasabi n’ya.