DEVILLIANNA FIACRA VERNO Bago pa tuluyang sumara ang pinto, naka-tikim pa sila ng sermon galing kay Ferruccio. Nang bumukas ang elevator, dumiresto agad ako sa restroom. Pagkapasok ko, sinara ko muna ang pinto at tumungo na mg shower. Isa-isa kong hinubad ang suot ko. Nangangamoy sarsa ang katawan ko. 'Yong dress ko, nadumihan na rin. Kinakailangan kong maligo dahil pati buhok ko, amoy ulam. “Devillianna, are you taking a shower?” Sinasabunan ko na ang buong katawan ko. Dumating na si Ferruccio pero bumalik na sa dati ang boses n’ya, hindi kagaya kanina na parang lalabas na sa balat. “Oo. Sinalang ko rin sa washing machine ang dress ko.” “I will wait for you.” Iyan lang ang sinabi n’ya kaya um-oo ako. After kong maligo, sinalin ko na sa dryer ang dress ko. Hindi naman ako puweden