BILLIE MASUYONG halik sa aking balikat ang gumising sa akin sa umagang iyon. Isang mahinang ungol ang lumabas sa aking bibig saka marahang tinabig ang lalaking panay ang halik sa aking balikat. "It's time to wake up, My love," mahinang bulong nitong saka inilipat ang kanyang mabibining halik sa aking pisngi. "Hmm...Go away!" ungot ko rito na ginantihan lamang niya ng isang mahinang tawa. "You need to eat. It's already five in the afternoon," turan nito. Nang marinig ko iyon ay nanlaki ang aking mga mata at bigla akong napabalikwas nang bangon. "F*ck! Where's the babies?" gulat kong tanong kay Damian. "Don't worry, inaalagaan s'ya ni Mommy ngayon," nakangiting tugon nito. Parang may kung anong humaplos sa aking puso nang makita ako ang malawak na ngiti sa mga labi ni Damian. Malayo

