Chapter 51

1066 Words

"Juvy, seryoso ka ba sa sinabi mo?" pangungulit sa kaniya ni Dark. Sinundan pa siya nito palabas ng bahay ni Rita at sa may terrace ay sumandal si Juvy sa haliging kahoy habang nakaharap sa binata. "Oo naman... hindi ko na iisipin ang sarili ko Dark. Ang kailangan kong isipin ay si Cold. Hindi na ito tungkol sa mararamdaman ko kun'di tungkol sa alaala ni Cold na kailangang bumalik. Alam mo dati..." Tinalikuran niya ang binata at tumingin sa bakuran. "Palagi na lamang sarili ko ang iniisip ko. Kapag may problema ako sinosolo ko lang. Ang reason ko, dahil ayokong makaabala ng ibang tao. Pero hindi pala gano'n kadali ang lahat. At dahil sa pagiging selfish ko napahamak si Cold at muntik nang mamatay. Ngayon, wala siyang maalala dahil sa akin." "Juvy," malungkot na sambit ni Dark na lumapit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD