Nakaupo si Juvy sa may hagdan sa harapan ng bahay ni Cold. Naroon siya habang hawak ang tasa ng kape at nakapangalumbaba. Nasa loob naman ng kuwarto nito si Cold at natutulog pa. Madalas na titigan na lamang ni Juvy si Cold sa malayo dahil hindi siya nito gustong makausap. Parang pakiramdam niya ay itinataboy siya ng binata. Ngunit hindi siya bibitaw sa pangako niya na hindi na siya aalis. Hindi na niya susukuan si Cold kahit na ano pa ang mangyari. Tumayo si Juvy at nagpasyang maglakad-lakad sa may garden. Nakasalubong niya si Manang Thelma na kasama nila sa bahay. Nagtatampo pa rin ang matanda sa kaniya dahil sa nangyari kay Cold. Hindi rin siya nito kinakausap at katulad ng mga kaibigan ni Cold at malamig din ito sa kaniya. Ngumiti siya sa matanda kahit na tinarayan siya nito. "Magan