Nakatingin si Cold kay Juvy na abala sa pagtulong kay Manang Thelma sa paglilinis ng bahay. Kahit na hindi niya ito pinapansin ay palagi pa rin itong nagpre-presinta na tulungan siya. Nagdidilig ito ng halaman kasama ni Manang Thelma na aliw na aliw sa ginagawang pagsasayaw ni Juvy na may hawak na hose. Hindi niya ito maalala ngunit may parte sa puso niya ang nasasaktan kapag nakikita itong umiiyak. Pilit na iginalaw ni Cold ang kaniyang paa at pinilit na tumayo habang nakahawak sa sofa. Gusto na niyang makalakad muli at hindi na kaawaan ng mga tao sa kaniyang paligid. Sa kaniyang pagtayo ay nawalan siya ng balanse. Nakita siya ni Juvy at nagmadali itong lumapit para alalayan siya. "Huwag mong pilitin ang sarili mo, Cold. Sinabi naman ng nurse sa iyo na hindi pa malakas ang katawan mo.