HINARANG ni Kyline si Hatt nang magkasalubong sila sa labas ng vicinity ng mansion. Hindi mawala sa kaniyang isip ang tungkol sa paghahanap nito sa kaniya kahapon at ang dumating na balita sa kaniya tungkol sa ginawa niyang pang-uutos na sunugin ang bahay ni Rita. Nag-aalala siya dahil kapag nalaman iyon ni Cold ay tuluyan na siya nitong layuan at baka ipakulong pa siya nito dahil sa ginawa niya. Bakas sa mukha ni Hatt ang pagkadisgusto sa kaniya. Humalukipkip siya at tumingin sa binata. "Bakit mo ako hinahanap kahapon? Akala mo ba ganoon mo na lang ako matatakot sa maling paratang mo sa akin ha, Hatt!" galit na aniya na habang nanlalaki ang mga matang nakatingin dito. Hinila ni Hatt ang kaniyang braso patungo sa direksyon na walang mga taong makakakita sa kanila. "Kyline, nagtitiwala s