SINUNDAN ni Cold si Juvy na tumakbo palayo sa kaniya. Mabilis siyang lumbas ng mall para hanapin ang dalaga. Nakita niya ito na nakatayo sa labas ng mall at nag-aabang ng masasakyan. Tumakbo si Cold sa kinaroroonan ni Juvy. Ngunit napatigil siya sa kaniyang pagtakbo nang makita si Hatt na palapit kay Juvy. Mabilis nitong hinawakan ang kamay nito at nagulat siya nang bigla nitong halikan si Juvy sa mga labi nito. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay. Nagtatangis ang kaniyang loob. Alam niyang nakita siya ni Hatt na palapit kay Juvy pero ginawa pa rin iyon ng kaniyang kaibigan. Hinayaan niyang makaalis ang dalawa. Mabilis siyang sumakay sa kaniyang kotse at sinundan ang mga ito. Pumasok ang sasakyan ni Hatt sa isang subdivision. Hindi siya p'wedeng pumasok sa loob dahil nakabantay ang mga