Chapter 16: Behind Those Lies

1120 Words

SINAMAHAN siya ni Hatt na umuwi ng Tarlac bago sila umuwi ng Victoria. Dinalaw ni Juvy ang kaniyang Lola Conching na nadatnan nilang nagpapahinga. Masayang-masaya ito nang makita siya at mahigpit siya nitong niyakap. Nagulat si Juvy nang magmano si Hatt sa kaniyang Lola Conching, wala itong reklamo sa maliit nilang bahay. Yumuyuko ito sa mga pintuan dahil abot na nito ang mga iyon dahil sa katangkaran. Lihim na natuwa si Juvy sa kabutihan na ipinapakita ni Hatt. Taliwas sa sinabi ni Cold na bitter si Hatt sa mga babae. Pero p'wede namang magbago ang isang tao tulad na lang niya. "Juvy, sino ba itong guwapong binata na ito? Unang beses na may ipapakilala kang lalaki sa akin, apo." Namula ang kaniyang mukha sa sinabi ng kaniyang lola. Mabilis niyang nilingon si Hatt na nagkibit-balikat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD