HABANG pinagmamasdan ni Cold si Rita ay hindi niya maiwasan na malungkot. Palagi na lang siyang dinadalaw ng mga masasama niyang panaginip. Pakiramdam niya ay napakalayo ni Rita sa kaniya kahit na malaot lamang ito at kasama niya. Hindi niya maintindihan ngunit parang may mali sa nangyayari. Nakarating sila ng Nueva Ecija, alas otso na ng gabi. Biglaan silang lumuwas dahil kailangan siya sa pag-aani ng mga mais bukas ng umaga. Iyon ang huling ani ng mga tanim ng kaniyang Lolo Berto bago ito namatay. Naalagaan iyong mabuti ng mga katiwala kaya naman laking pasasalamat niya. Nagpasya siya na ang kalahati ng ani ay ibigay niya sa mga ito ng libre habang ang kalahati ay itatabi niya para sa future ni Kristal. Pagkatapos ng trabaho rito sa Nueva Ecija ay naisipan niya na ituloy muli ang kani