NANG umalis sina Hatt at Juvy sa kaniyang bahay at tinungo ni Cold ang ibinilin niya kay Manang Thelma ang kailangan niyang gawin bukas. Hindi niya magawang humarap sa mga tao sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan ngayon. Pakiramdam ni Cold ay pinagbagsakan siya ng langit. Umalis siya ng farm bago pa man dumating ang kaniyang mga kaibigan. Wala siyang pinagsabihan kung saan siya pupunta. Kailangan niyang mapag-isa, sobrang gulo ng isip niya. At durog na durog ang kaniyang puso dahil sa nalaman niya. Nagpasya siya na magtungo ng Pangasinan, at mamalagi sa isang beach. Habang nagmamaneho siya ng kotse niya ay sunod-sunod ang pag-ring ng kaniyang cellphone. Ini-off ni Cold ang cellphone niya upang hindi siya ma-trace ng kaniyang mga kaibigan. Gusto niyang mapag-isa kahit sandali lamang. Isa