"BRO, kumusta na si Cold?" nag-aalalang tanong ni Hatt kay Storm habang katabi niya itong nakaupo sa bench na nasa labas ng mansion nila. Mula noong ihatid ni Storm si Cold sa mansion ay palagi itong nagkukulong sa kuwarto at tila wala sa sarili. Nag-aalala na rin siya baka kung ano ang maisipan nitong gawin dahil sa mga nangyari. Umiling si Storm at saka tinapik ang balikat ng kaniyang kaibigan na lukot ang mukha. "Hindi pa rin siya nakikipag-usap sa akin at kay Kristal. Pinagsisigawan niya nga kahapon si Kyline at galit na galit siya rito. Marahil may kinalaman pa rin iyon sa nangyari noong nakaraang linggo. Ako na nga ang umaayos sa mga problema rito sa hacienda. Nagpunta kahapon dito iyong katiwala ni Cold at ibinigay iyong pera pati na rin mga resibo. Itinabi ko na lang muna iyon at