WALANG natanggap na text o tawag si Juvy kay Cold kaya naman nagdesisyon siya na magtungo ng Dagupan para puntahan si Limuel at para tuluyang magpaalam sa binata. Nag-aabang siya ng masasakyang tricycle nang biglang huminto sa kaniyang harapan ang kotse ni Hatt. Pinagbuksan siya nito ng side door ng kotse at saka ngumiti ito sa kaniya. "Sabay ka na, mukhang kanina ka pa naghihintay ng masasakyan? Saan ka ba pupunta?" "Sa Dagupan, may kailangan akong i-meet." Sumakay si Juvy sa kotse ng binata at saka marahan na isinara ang pinto niyon. "Pero bago tayo magpunta ng Dagupan may dapat muna tayong puntahan. Kailangan kong makilala si Rita Garcia." Napalunok si Juvy sa sinabi nito sa kaniya. "Pero..." "Pinagbigyan kita sa gusto mo kaya pagbibigyan mo rin ako, Juvy. Tandaan mo na may malaki