"Ano? Hinayaan mo na lang ang higad na iyon na naroon sa bahay ni Cold? Baka mamaya mawalan na ng damit ang higad na iyon at maging ahas na? Naku, Juvy! Hindi mo dapat iniiwan si Cold sa babaeng iyon!" inis na inis na sabi ni Raf na nakahalukipkip pa sa kaniyang harapan. Tumawag ang mga ito para bisitahin siya rito sa Victoria. Ay ang bahay ni Rita ang naisip niyang lugar kung saan siya pupuntahan ng mga ito. Tumingin si Juvy sa bahay ni Cold na kalapit lamang nila. "Hindi ko na kayang tiisin ang pang-iinis sa akin ni Kyline kay imbes na patulan ko siya ay nagdesisyon na lamang akong umalis. May tiwala ako kay Cold at kahit na may amnesia siya hindi niya magagagawang magtiwala nang ganoon kabilis kay Kyline," buong kumpiyansang sabi niya. Bumalik si Raf sa silyang inuupuan nito sa kaniy