Naghihintay si Cold sa labas ng kaniyang bahay at wala siyang pakialam sa mga lamok na kanina pa umaaligid sa kaniya. Nag-aalala siya kay Juvy dahil sa hindi niya inaasahang ginawa ni Kyline. Maging siya ay nagulat sa ginawa nitong panghahalik sa kaniya. Bumuga nang malalim si Cold at sumandal sa labas ng gate. Hindi niya alam kung ilang oras pa siyang maghihintay na bumalik ang dalaga. "Sir, mas mabuti pa siguro na sa loob na lamang ninyo hintayin si Miss Juvy," anang security guard niya na si Manong Luis. "Hihintayin ko siya rito, manong." "Kayo ho ang bahala, sir." Bumalik ito sa guard house at ngunit hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Sinipat ni Cold ang kaniyang relo, alas dose na ng gabi hindi pa rin ito bumabalik. Nag-aalala na siya rito at hindi niya gusto ang nararamdaman n