GINAMOT ni Juvy ang kaniyang sugat sa bibig. At habang ginagawa iyon ng dalaga sa kaniya ay naawa siya para rito. Alam ni Hatt ang pakiramdam ng isang broken hearted. Kinuha niya kay Juvy ang gamot at saka pinaalis ito sa kaniyang harapan. "Matulog ka na, kaya ko na ito mag-isa." "Hatt, nadamay ka pa ngayon sa gulo ng buhay ko. Dapat nagagalit ka lang sa company mo at naghahagis ng mga papel sa office. Pero heto ka, nadadamay sa kagagahan ko." Malungkot na sumandal si Juvy sa pader. "Wala ka namang kasalanan, Juvy. Kasalanan ko ito dahil hinalikan kita. Nakita tayo ni Cold at nagalit siya sa akin. Pero alam mo, tama ang ginawa ko, para ilayo ka sa isang taong katulad niya. Hanggang ngayon confuse pa rin siya sa pagmamahal niya sa iyo. At hindi ako makakapayag na gamitin ka ng baliw kong