MATAPOS ang tatlong araw mula nang bumalik sa trabaho si Juvy ay laman pa rin ng ng kaniyang isip si Cold. Iniwasan na rin siya ni Hatt, hindi na siya nito madalas na kausapin. Kapag nasa office sila at nagpatawag ito ng meeting ay hindi siya nito pinapansin. Gusto niya itong kausapin pero minabuti ni Juvy na huwag na lamang itong istorbohin. Marahil ginagawa iyon ni Hatt para na rin sa kaniya. Masiyadong magulo ang sitwasyon nila ni Cold. Hindi na rin ito tumwag o nag-text man lang sa kaniya matapos ang nangyari. Iniligpit ni Juvy ang kaniyang mga gamit nang lapitan siya ni Raf. "Ano, bar ulit tayo?" aya nito sa kaniya na malapad ang ngiti. "Naku, kayo na lang. Noong huling nag-bar tayo may nangyaring hindi maganda." Pagtanggi niya bago sulyapan si Melody na palapit sa kanila. "Kayo na