Chapter 52: Kiss

1339 Words

Nakikinig si Cold sa usapan ng kaniyang mga kaibigan. Pumayag siya na dalhin siya ng mga ito sa hacienda. Payapa ang kaniyang isipan sa lugar na iyon. Nasa garden silang lima, may tangan na baso na may lamang brandy ang mga ito. Habang siya naman ay nakatingin lamang sa masayang kuwentuhan at asaran tungkol sa kaniyang nakaraan. Pinipilit niya ang sarili na makaalala ngunit kahit na ano ang gawin niya ay walang pumapasok sa kaniyang isip. "Dapat mong maalala ang nakaraan mo, bro. Para hindi ka inaasar nitong si Hatt," ani Dark sa kaniya na nakangiti. "Wala akong kasalanan kay Cold. Siya lang talaga itong hinala nang hinala e," depensa naman ni Hatt na ang pinag-uusapan ay ang pagseselos niya raw noon kina Juvy at Hatt. "Asus, halos isang buwan nga kayong hindi nagpansinan e," sabad na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD